4Sinabi sa akin ng Panginoon,
5“Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang kita at itinalaga upang maging propeta sa mga bansa.”
6Sumagot ako, “Makapangyarihang Panginoon, hindi po ako magaling magsalita, dahil bata pa ako.”
7Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka pa. Kinakailangang pumunta ka saan man kita suguin, at sabihin ang anumang ipasasabi ko sa iyo.
8Huwag kang matakot sa mga tao sapagkat akoʼy kasama mo at tutulungan kita,” sabi ng Panginoon.