8Pararamihin ko ang inyong mga biyuda na parang mas marami pa kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Sa katanghaliang tapat, ipapadala ko ang lilipol sa mga ina ng mga binata. Biglang darating sa inyo ang pagdadalamhati at takot.
9May inang mawawalan ng pitong anak na lalaki. Hihimatayin siya at mahihirapang huminga. Ang kanyang mga anak ay parang araw na lumubog nang napakaaga pa. Mapapahiya siya dahil wala na siyang anak. At ang mga matitirang buhay ay ipapapatay ko rin sa mga kaaway,” wika ng Panginoon.
10Kahabag-habag ako! Sanaʼy hindi na ako isinilang ng aking ina! Palagi akong kinakalaban sa buong Juda. Wala akong utang kaninuman, at hindi rin ako nagpapautang, pero isinusumpa ako ng lahat.
11Sinabi ng Panginoon, “Tiyak na ikaw ay aking ililigtas para sa mabuting layunin; tinitiyak kong ang iyong mga kaaway ay magmamakaawa sa iyo sa panahon ng kalamidad at kahirapan.
12“Kung papaanong walang makakabali ng piraso ng bakal o tanso, wala ring makakatalo sa mga kaaway na galing sa hilaga.