6“O mga mamamayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na ito?” sabi ng Panginoon. “Kung papaanong ang luwad ay nasa kamay ng magpapalayok, kayo rin ay nasa mga kamay ko.
7Kapag sinabi ko na ang isang bansa o kaharian ay babagsak at mawawasak,
8at ang bansa o kahariang iyon ay tumigil sa paggawa ng masama, hindi ko na itutuloy ang balak kong pagwasak sa kanila.
9At kapag sinabi ko naman na muling babangon at itatayo ang isang bansa o kaharian,
10at ang bansa o kahariang iyon ay gumawa ng masama at hindi sumunod sa akin, hindi ko na itutuloy ang balak kong paggawa ng mabuti sa kanila.