7Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa kanya, sa anak, at sa apo niya hanggang sa panahong bumagsak ang kaharian ng Babilonia. At ang Babilonia naman ang maglilingkod sa maraming bansa at sa mga makapangyarihang hari.
8“ ‘Ngunit kung may bansa o kahariang ayaw maglingkod o magpaalipin kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia, ako ang magpaparusa sa bansang iyon sa pamamagitan ng digmaan, gutom, at sakit hanggang sa tuluyang maipasakop ko sila kay Nebucadnezar. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
9Kaya huwag kayong maniniwala sa inyong mga propeta, mga manghuhula, mga nagpapaliwanag tungkol sa mga panaginip, mga mangkukulam o mga espiritistang nagsasabing maglilingkod kayo sa hari ng Babilonia.
10Kasinungalingan ang sinasabi nila sa inyo. At kung maniniwala kayo sa kanila, paaalisin ko kayo sa lupain ninyo. Palalayasin at lilipulin ko kayo.
11Ngunit ang mga bansang magpapasakop at maglilingkod sa hari ng Babilonia ay mananatili sa sarili nilang bayan. Dito sila maninirahan at bubungkalin nila ang kanilang sariling lupain, sabi ng Panginoon.’ ”