15Pagkatapos, sinabi ni Propeta Jeremias kay propeta Hananias, “Hananias, makinig ka! Hindi ka sinugo ng Panginoon, pero pinapaniwala mo ang bansang ito sa kasinungalingan mo.
16Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Mawawala ka sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito dahil tinuruan mo ang mga tao na magrebelde sa akin.’ ”
17Kaya noong ikapitong buwan ng taon ding iyon, namatay si Propeta Hananias.