29Nang matanggap ng paring si Zefanias ang sulat ni Semaias, binasa niya ito kay Propeta Jeremias.
30Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
31“Ipadala mo ang mensaheng ito sa lahat ng bihag. Sabihin mo sa kanilang ito ang sinabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na taga-Nehelam: Hindi ko sinugo si Semaias upang magsalita sa inyo. Pinapaniwala niya kayo sa kasinungalingan niya.
32Kaya parurusahan ko siya pati ang mga angkan niya. Wala ni isa man sa angkan niya ang mananatiling buhay para maranasan ang mga mabubuting bagay na gagawin ko sa inyo, sapagkat tinuruan niya kayong magrebelde sa akin,” sabi ng Panginoon.