34Inilagay nila ang mga kasuklam-suklam nilang diyos-diyosan sa aking Templo kung saan ako sinasamba, at dahil dito ay dinungisan nila ito.
35Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal sa Lambak ng Ben-hinom at doon din nila inihahandog ang kanilang mga anak kay Molec. Hindi ko sila inutusan ng ganoon. Ni hindi sumagi sa isipan ko na gagawin nila itong kasuklam-suklam na bagay na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda.
36“Jeremias, totoo ang sinabi mong ibibigay sa hari ng Babilonia ang lungsod na ito sa pamamagitan ng digmaan, taggutom at sakit. Ngunit ngayon ako, ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ay nagsasabi:
37Titipunin ko ang mga mamamayan ko mula sa lahat ng bansa na pinangalatan ko sa kanila dahil sa matinding galit ko sa kanila. Muli ko silang dadalhin sa lugar na ito at mamumuhay sila nang payapa.
38Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila.