Jeremias 35

“Pumunta ka sa sambahayan ng mga Recabita at sabihin mo sa kanilang pumunta sila sa isa sa mga silid ng Templo ng Panginoon at painumin mo sila ng alak.”

Jeremiah 35:2 (UKJV) Go unto the house of the Rechabites, and speak unto them, and bring them into the house of the LORD, into one of the chambers, and give them wine to drink.

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong si Jehoiakim na anak ni Josias ang hari sa Juda,

2“Pumunta ka sa sambahayan ng mga Recabita at sabihin mo sa kanilang pumunta sila sa isa sa mga silid ng Templo ng Panginoon at painumin mo sila ng alak.”

3Kaya pinuntahan ko si Jaazanias (anak siya ng isa ring nagngangalang Jeremias na anak ni Habasinias) at ang lahat ng kapatid at anak niya. Sila ang buong sambahayan ng mga Recabita.

4Dinala ko sila sa templo ng Panginoon, doon sa silid ng mga anak na lalaki ni Hanan na anak ni Igdalia na lingkod ng Diyos. Ang silid na ito ay nasa tapat ng silid ng mga pinuno at nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Salum, na guwardiya ng pintuan ng templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.