18“Ang inyong pag-uugali at mga gawa ang nagdala ng parusang ito sa inyo. Ito ang kaparusahan ninyo. Masakit ito! At tatagos ito sa inyong puso.”
19Ang puso ko, ang puso ko, namimilipit sa sakit na nadarama! Mabigat ang aking kalooban, kumakabog ang aking dibdib at hindi ako mapalagay. Sapagkat aking narinig ang tunog ng trumpeta, at ang hiyaw ng mga mandirigma.
20Sunod-sunod na dumating ang kapahamakan. Ang buong lupain ay napinsala. Pati ang tolda koʼy agad na nagiba at napunit ang mga tabing.
21Hanggang kailan ko kaya makikita ang watawat ng digmaan at maririnig ang tunog ng trumpeta?
22“Hangal ang aking mga mamamayan ko; hindi nila ako nakikilala. Silaʼy mga mangmang na kabataan at walang pang-unawa. Sanay silang gumawa ng masama ngunit hindi marunong gumawa ng mabuti.”