Jeremias 41

Kaya tinipon nila ang mga tauhan nila at hinabol ang anak ni Netanias na si Ismael na anak ni Netanias upang labanan. Inabutan nila ito sa malawak na imbakan ng tubig sa Gibeon.

Jeremiah 41:12 (UKJV) Then they took all the men, and went to fight with Ishmael the son of Nethaniah, and found him by the great waters that are in Gibeon.

10Pagkatapos, binihag ni Ismael na anak ni Netanias ang mga taong natitira sa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang mga taong ipinagkatiwala ni Nebuzaradan kay Gedalias na anak ni Ahikam upang alagaan. Pagkatapos, bumalik si Ismael sa Amon na dala ang mga bihag.

11Nabalitaan ni Johanan na anak ni Karea at ng mga kasama niyang opisyal ng mga sundalo ang masamang ginawa ni Ismael na anak ni Netanias.

12Kaya tinipon nila ang mga tauhan nila at hinabol ang anak ni Netanias na si Ismael na anak ni Netanias upang labanan. Inabutan nila ito sa malawak na imbakan ng tubig sa Gibeon.

13Nang makita ng mga bihag ni Ismael si Johanan na anak ni Karea at ang mga kasama niyang opisyal, tuwang-tuwa sila.

14Silang lahat na bihag ni Ismael mula sa Mizpa ay nagtakbuhan patungo kay Johanan na anak ni Karea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.