2Ito ang mensahe laban sa mga sundalo ni Faraon Neco na hari ng Ehipto: Tinalo sila ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia roon sa Carquemis malapit sa Ilog ng Eufrates, noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda:
3“Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag at pumunta kayo sa digmaan!
4Ihanda rin ninyo ang inyong mga kabayong pandigma. Isuot ang inyong mga helmet, hasain ang inyong mga sibat, at isukbit ang inyong mga sandata.
5Ngunit ano itong nakita ko? Natatakot kayo at umuurong. Natalo kayo at mabilis na tumakas na hindi man lang lumilingon dahil sa takot,” sabi ng Panginoon.
6Malakas kayo at mabilis tumakbo pero hindi pa rin kayo makakatakas. Mabubuwal kayo at mamamatay malapit sa Ilog ng Eufrates.