34Ngunit ako ang kanilang Manunubos, Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang aking pangalan. Ipagtatanggol ko sila at bibigyan ng kapayapaan, ngunit guguluhin ko ang mga mamamayan ng Babilonia.
35“Ang espada ng kapahamakan ay tatama sa mga taga-Babilonia,” sabi ng Panginoon “laban sa mga nakatira sa Babilonia, pati sa mga pinuno at matatalinong tao nito.
36Tatama rin ito sa kanyang mga bulaang propeta at silaʼy magiging mga mangmang. Tatama rin ang espada sa kanyang mga sundalo at silaʼy maduduwag.
37Tatama ang espada sa kanyang mga kabayo, karwahe, at sa lahat ng kumakampi sa kanya. At silaʼy manghihina gaya ng mga babae! Tatama rin ito sa kanyang mga kayamanan at itong lahat ay sasamsamin.
38Matutuyo ang lahat ng pinagkukunan niya ng tubig! Sapagkat ang Babilonia ay lugar na punong-puno ng napakaraming diyos-diyosan, mga diyos-diyosang nagliligaw sa mga tao.