1Ito pa ang sinabi ng Panginoon: “Udyukan ko ang mangwawasak na sumalakay laban sa Babilonia at sa mga mamamayan nito.
2Magpapadala ako ng mga dayuhan para salakayin at wasakin ang Babilonia na tulad ng ipang tinatangay ng hangin. Lulusubin nila ang Babilonia sa lahat ng dako sa araw ng kapahamakan nito.
3Hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagapana ng Babilonia na magamit ang mga pana o mga baluti nila. Wala silang ititirang kabataang lalaki. Lubusan nilang lilipulin ang mga hukbo ng Babilonia.