19Ngunit ang Diyos ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang lahi na kanyang hinirang, Panginoon ng mga Hukbo ang kanyang pangalan.
20Sinabi ng Panginoon, “Ikaw ang panghampas ko, ang sandata ko sa digmaan. Sa pamamagitan mo, wawasakin ko ang mga bansa at sisirain ang mga kaharian,
21dudurugin ko ang mga kabayo, karwahe at ang mga nakasakay dito.
22Sa pamamagitan mo, lilipulin ko ang mga lalaki at babae, ang mga matatanda at bata, at ang mga binata at dalaga.
23Lilipulin ko rin sa pamamagitan mo ang mga kawan at mga pastol, ang mga magbubukid at mga baka, ang mga pinuno at iba pang mga namamahala.