Jeremias 51

Nayayanig ang lupa at namimilipit, sapagkat isasagawa ng Panginoon ang kanyang plano laban sa Babilonia, na gawing tiwangwang ang dakong ito, at wala nang maninirahan dito.

Jeremiah 51:29 (UKJV) And the land shall tremble and sorrow: for every purpose of the LORD shall be performed against Babylon, to make the land of Babylon a desolation without an inhabitant.

27“Itaas ang watawat na tanda ng pagsalakay! Patunugin ang trumpeta sa mga bansa! Ihanda sila para salakayin ang Babilonia. Utusang sumalakay ang mga sundalo ng Ararat, Mini at Asquenaz. Pumili kayo ng pinuno para salakayin ang Babilonia. Magpadala kayo ng mga kabayong kasindami ng mga balang.

28Paghandain mo ang mga hari ng Media, pati ang mga pinuno at mga tagapamahala nila, at ang lahat ng bansang nasasakupan nila para salakayin ang Babilonia.

29Nayayanig ang lupa at namimilipit, sapagkat isasagawa ng Panginoon ang kanyang plano laban sa Babilonia, na gawing tiwangwang ang dakong ito, at wala nang maninirahan dito.

30Titigil ang mga sundalo ng Babilonia sa pakikipaglaban at mananatili na lang sila sa kanilang tanggulan. Mauubos ang kanilang lakas at manghihina sila na parang mga babae. Masusunog ang mga bahay nila at masisira ang tarangkahan ng kanilang mga pintuan.

31Sunod-sunod na darating ang mga tagapagbalita para sabihin sa hari ng Babilonia na ang buong lungsod ay nasakop na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.