3Hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagapana ng Babilonia na magamit ang mga pana o mga baluti nila. Wala silang ititirang kabataang lalaki. Lubusan nilang lilipulin ang mga hukbo ng Babilonia.
4Hahandusay ang mga bangkay sa lupain ng Babilonia, ang mga nilaslas ay naroon sa mga daan.
5Sapagkat ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo ay hindi itinakwil ang Israel at Juda Siya pa rin ang kanilang Diyos kahit labis ang kasalanan ng kanilang lupain laban sa Nag-iisang Banal ng Israel.
6“Tumakas kayo mula sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay! Hindi kayo dapat mamatay dahil sa kasalanan ng Babilonia. Panahon na ng paghihiganti ng Panginoon nang nararapat ayon sa mga ginawa niya.
7Ang Babilonia ay tulad ng tasang ginto sa kamay ng Panginoon na puno ng alak. Pinainom niya ang mga bansa sa buong daigdig, at silaʼy nalasing at naging baliw.