58Sinabi pa ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: “Gigibain ang makakapal na pader ng Babilonia at susunugin ang matataas niyang pintuan. Magiging walang kabuluhan ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang mga mamamayan dahil ang lahat ng iyon ay masusunog lang.”
59Ito ang sinabi ng propetang si Jeremias kay Seraya na isa sa mga nakakataas na tagapamahala ni Haring Zedequias. Si Seraya ay anak ni Nerias at apo ni Maaseias. Sinabi ni Jeremias ang mensaheng ito noong pumunta si Seraya sa Babilonia kasama ni Haring Zedequias. Ikaapat na taon noon ng paghahari ni Zedequias sa Juda.
60Isinulat ni Jeremias sa nakarolyong sulatan ang lahat ng kapahamakang darating at mangyayari sa Babilonia.
61Ito ang sinabi ni Jeremias kay Seraya: “Kapag dumating ka sa Babilonia, basahin mo nang malakas sa mga tao ang nakasulat sa kasulatang ito.
62Pagkatapos ay manalangin ka, ‘O Panginoon, sinabi nʼyo po na wawasakin nʼyo ang lugar na ito upang walang manirahan dito, maging tao man o hayop, at itoʼy magiging tiwangwang magpakailanman.’