Jeremias 52

Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Haring Jehoiakim.

Jeremiah 52:2 (UKJV) And he did that which was evil in the eyes of the LORD, according to all that Jehoiakim had done.

1Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya ay si Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Haring Jehoiakim.

3Sa galit ng Panginoon, pinalayas niya sa harapan niya ang mga taga-Jerusalem at taga-Juda. Kaya nagrebelde si Zedequias sa hari ng Babilonia.

4Kaya noong ikasiyam na taon ng paghahari niya, nang ikasampung araw ng ikasampung buwan, sumalakay si Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ang kanyang buong hukbo sa Jerusalem. Nagkampo sila sa labas ng lungsod at nagtambak ng lupa sa tabi ng pader upang doon sila dumaan sa pagpasok nila sa lungsod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.