28Ito ang bilang ng mga taga-Juda na binihag ni Haring Nebucadnezar mula sa Jerusalem: Noong ikapitong taon ng paghahari niya, 3,023.
29Noong ika-labinwalong taon ng paghahari niya, 832.
30Noong ikadalawampuʼt tatlong taon ng paghahari niya, 745. Si Nebuzaradan na pinuno ng mga kawal ang bumihag sa kanila. May kabuuang bilang na 4,600 ang binihag.
31Noong ikatatlumpuʼt pitong taon ng pagkabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, naging hari ng Babilonia si Evil-merodac. Pinalaya niya sa pagkakakulong si Jehoiakin noong ikadalawampuʼt limang araw ng ikalabindalawang buwan ng taon ding iyon.
32Mabait siya kay Haring Jehoiakin at pinarangalan niya ito ng higit kaysa sa ibang mga hari na bihag din doon sa Babilonia.