31Noong ikatatlumpuʼt pitong taon ng pagkabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, naging hari ng Babilonia si Evil-merodac. Pinalaya niya sa pagkakakulong si Jehoiakin noong ikadalawampuʼt limang araw ng ikalabindalawang buwan ng taon ding iyon.
32Mabait siya kay Haring Jehoiakin at pinarangalan niya ito ng higit kaysa sa ibang mga hari na bihag din doon sa Babilonia.
33Kaya hindi na nagsuot si Haring Jehoiakin ng damit na para sa mga bilanggo, at mula noon ay kumakain na siya kasama ng hari.
34At bawat araw, binibigyan siya ng hari ng Babilonia ng kanyang mga pangangailangan hanggang sa siya ay namatay.