15Nahihiya ba sila sa ugali nilang kasuklam-suklam? Hindi! Wala na kasi silang kahihiyan! Ni hindi nga namumula ang kanilang mukha sa kahihiyan. Kaya mapapahamak sila katulad ng iba. Ibabagsak sila sa araw na parusahan ko sila,” sabi ng Panginoon.
16Ito pa ang sinabi ng Panginoon: “Tumayo kayo sa mga kanto at magmasid kayo nang mabuti. Magtanong kayo kung alin ang dati at mabuting daan, at doon kayo dumaan. At makakamtan ninyo ang kapayapaan. Ngunit sinabi ninyo, ‘Hindi kami dadaan doon.’
17Naglagay ako ng mga tagapagbantay at sinabi nila sa inyo, ‘Pakinggan ninyo ang tunog ng trumpeta bilang babala.’ Ngunit sinabi ninyo, ‘Hindi namin iyon pakikinggan.’
18Kaya kayong mga bansa, makinig kayo. Masdan ninyong mabuti kung ano ang mangyayari sa kanila.
19Buong mundo, makinig kayo! Magpapadala ako ng kapahamakan sa mga taong ito upang parusahan sila sa kanilang masasamang balak. Sapagkat ayaw nilang pakinggan ang mga salita ko at itinakwil nila ang mga kautusan ko.