Jeremias 7

inutusan ko rin sila ng ganito: Sundin ninyo ako, at akoʼy magiging Diyos nʼyo at kayoʼy magiging mga mamamayan ko. Mamuhay kayo sa paraang iniutos ko sa inyo upang maging mabuti ang kalagayan ninyo.

Jeremiah 7:23 (UKJV) But this thing commanded I them, saying, Obey my voice, and I will be your God, and all of you shall be my people: and walk all of you in all the ways that I have commanded you, that it may be well unto you.

21“ ‘Ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel: Sige, kunin na lang ninyo ang inyong mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, at kainin na lang ninyo ang karne.

22Sapagkat nang ilabas ko sa Ehipto ang mga ninuno nʼyo, hindi ko lang sila inutusan na mag-alay ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog,

23inutusan ko rin sila ng ganito: Sundin ninyo ako, at akoʼy magiging Diyos nʼyo at kayoʼy magiging mga mamamayan ko. Mamuhay kayo sa paraang iniutos ko sa inyo upang maging mabuti ang kalagayan ninyo.

24Ngunit hindi nila sinunod o pinansin man lang ang mga sinabi ko sa kanila. Sa halip, sinunod nila ang nais ng matitigas at masasama nilang puso. At sa halip na lumapit sa akin, lalo pa silang lumayo.

25Mula nang umalis ang mga ninuno nʼyo sa Ehipto hanggang ngayon, patuloy akong nagpapadala sa inyo ng mga lingkod kong mga propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.