Jeremias 8

Sinabi sa akin ng Panginoon na sabihin ko ito sa mga tao: “Kapag nadapa ang tao, hindi baʼt muli siyang bumabangon? Kapag naligaw siya, hindi baʼt muli siyang bumabalik?

Jeremiah 8:4 (UKJV) Moreover you shall say unto them, Thus says the LORD; Shall they fall, and not arise? shall he turn away, and not return?

2Pagkatapos, ikakalat ito sa lupain na nakabilad sa init ng araw, sa liwanag ng buwan, at mga bituin na kanilang minahal, pinaglingkuran, sinunod, sinangguni, at sinamba. Hindi na muling titipunin ang mga buto nila ni ililibing, kundi ikakalat sa lupa na parang dumi.

3Ang natitirang buháy sa masamang bansang ito ay ikakalat ko sa ibang mga bansa, at doon ay gugustuhin pa nilang mamatay kaysa sa mabuhay, sabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo.”

4Sinabi sa akin ng Panginoon na sabihin ko ito sa mga tao: “Kapag nadapa ang tao, hindi baʼt muli siyang bumabangon? Kapag naligaw siya, hindi baʼt muli siyang bumabalik?

5Ngunit kayong mga taga-Jerusalem, bakit patuloy kayong lumalayo sa akin? Bakit kayo kumakapit sa kahibangang dala ng inyong mga diyos-diyosan at ayaw ninyong magbalik-loob sa akin?

6Pinakinggan kong mabuti ang inyong mga sinabi pero hindi tama ang mga ito. Walang sinuman sa inyo ang nagsisi sa inyong kasamaan. Wala man lang nagsabing, ‘Ano ba itong ginawa ko?’ Sa halip, ang bawat isa sa inyo ay naging mabilis sa paggawa ng kasalanan na parang kabayong papunta sa digmaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.