Jeremias 9

Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Jeremiah 9:24 (UKJV) But let him that glories glory in this, that he understands and knows me, that I am the LORD which exercise loving kindness, judgment, and righteousness, in the earth: for in these things I delight, says the LORD.

22At sinabi ng Panginoon, “Kakalat ang mga bangkay na parang mga dumi sa kabukiran, at parang mga butil na naiwan ng mga nag-aani, at wala nang kukuha sa mga ito.”

23Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Hindi dapat ipagmalaki ng marunong ang karunungan niya, o ng malakas ang kalakasan niya, o ng mayaman ang kayamanan niya.

24Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

25“Darating ang araw,” sabi ng Panginoon, “na parurusahan ko ang lahat ng tinuli, na ang kanilang pamumuhay ay hindi nabago,

26ang mga taga-Ehipto, Juda, Edom, Amon, Moab, at ang lahat ng nakatira sa malalayong ilang. Sapagkat ang lahat ng mga bansang ito ay hindi tuli at pati ang mga mamamayan ng Israel ay matitigas ang puso.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.