Juan 1

Dumating siya sa sarili niyang bayan, ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.

John 1:11 (UKJV) He came unto his own, and his own received him not.

9Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.

10Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya.

11Dumating siya sa sarili niyang bayan, ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.

12Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

13Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.