7Isinugo siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay sumampalataya ang lahat ng tao sa pamamagitan niya.
8Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw.
9Ang tunay na ilaw na nagbibigay-liwanag sa lahat ng tao ay dumating na sa mundo.
10Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya.
11Dumating siya sa sarili niyang bayan, ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.