Juan 1

Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang kagandahang-loob at katotohanan ay natanggap natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

John 1:17 (UKJV) For the law was given by Moses, but grace and truth came by Jesus Christ.

15Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’ ”

16Sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob ay tumanggap tayong lahat ng abot-abot na biyaya.

17Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang kagandahang-loob at katotohanan ay natanggap natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

18Walang sinumang nakakita sa Diyos; ngunit ang kanyang kaisa-isang Anak, na Diyos mismo at pinakamalapít sa Ama ang nagpakilala sa kanya.

19Ito ang patotoo ni Juan nang magsugo sa kanya ang mga pinunong Hudyo mula sa Jerusalem ng mga pari at mga naglilingkod sa Templo, upang tanungin kung sino talaga siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.