17Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang kagandahang-loob at katotohanan ay natanggap natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.
18Walang sinumang nakakita sa Diyos; ngunit ang kanyang kaisa-isang Anak, na Diyos mismo at pinakamalapít sa Ama ang nagpakilala sa kanya.
19Ito ang patotoo ni Juan nang magsugo sa kanya ang mga pinunong Hudyo mula sa Jerusalem ng mga pari at mga naglilingkod sa Templo, upang tanungin kung sino talaga siya.
20Walang pag-aalinlangang tinapat sila ni Juan at sinabi, “Hindi ako ang Mesias.”
21Nagtanong sila, “Kung ganoon, sino ka? Ikaw ba si Propeta Elias?” Sumagot siya, “Hindi.” Muli nilang tinanong si Juan, “Ikaw ba ang Propeta?” “Hindi rin,” sagot niya.