14Kaya tinapat sila ni Hesus, “Patay na si Lazaro.
15Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, upang magkaroon kayo ng pagkakataon na lalo pang sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.”
16Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi sa mga kapwa niya alagad, “Sumama tayo sa kanya sa Judea, upang mamatay tayong kasama niya.”
17Nang dumating si Hesus sa Betania, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.
18Halos tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem,