Juan 11

kaya maraming Hudyo mula sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

John 11:19 (UKJV) And many of the Jews came to Martha and Mary, to comfort them concerning their brother.

17Nang dumating si Hesus sa Betania, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro.

18Halos tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem,

19kaya maraming Hudyo mula sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

20Nang mabalitaan ni Marta na darating si Hesus, umalis ito para salubungin siya. Ngunit si Maria ay naiwan sa bahay.

21Sinabi ni Marta kay Hesus, “Panginoon, kung nandito lang sana kayo ay hindi namatay ang kapatid ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.