Juan 11

Nang mabalitaan ni Marta na darating si Hesus, umalis ito para salubungin siya. Ngunit si Maria ay naiwan sa bahay.

John 11:20 (UKJV) Then Martha, as soon as she heard that Jesus was coming, went and met him: but Mary sat still in the house.

18Halos tatlong kilometro lang ang layo ng Betania sa Jerusalem,

19kaya maraming Hudyo mula sa Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

20Nang mabalitaan ni Marta na darating si Hesus, umalis ito para salubungin siya. Ngunit si Maria ay naiwan sa bahay.

21Sinabi ni Marta kay Hesus, “Panginoon, kung nandito lang sana kayo ay hindi namatay ang kapatid ko.

22Ngunit kahit ngayon, alam kong ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hilingin nʼyo sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.