Juan 11

Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus, “Alisin ninyo ang bato.” Sumagot si Marta na kapatid ng namatay, “Panginoon, tiyak na nangangamoy na po ngayon ang bangkay. Apat na araw na po siyang nakalibing.”

John 11:39 (UKJV) Jesus said, Take all of you away the stone. Martha, the sister of him that was dead, says unto him, Lord, by this time he stinks: for he has been dead four days.

37Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi baʼt pinagaling niya ang lalaking bulag? Bakit hindi niya nailigtas sa kamatayan si Lazaro?”

38Muling nabagbag ang puso ni Hesus. Kaya pumunta siya sa pinaglibingan kay Lazaro. Isa itong kuweba na tinakpan ng isang malaking bato.

39Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus, “Alisin ninyo ang bato.” Sumagot si Marta na kapatid ng namatay, “Panginoon, tiyak na nangangamoy na po ngayon ang bangkay. Apat na araw na po siyang nakalibing.”

40Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”

41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.