39Pagdating nila roon, sinabi ni Hesus, “Alisin ninyo ang bato.” Sumagot si Marta na kapatid ng namatay, “Panginoon, tiyak na nangangamoy na po ngayon ang bangkay. Apat na araw na po siyang nakalibing.”
40Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako.
42Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”
43Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”