41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako.
42Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”
43Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”
44At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”
45Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus.