Juan 11

Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”

John 11:42 (UKJV) And I knew that you hear me always: but because of the people which stand by I said it, that they may believe that you have sent me.

40Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi baʼt sinabi ko saʼyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”

41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Hesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, dahil dinidinig mo ako.

42Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”

43Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”

44At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.