Juan 11

At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”

John 11:44 (UKJV) And he that was dead came forth, bound hand and foot with grave clothes: and his face was bound about with a cloth. Jesus says unto them, Loose him, and let him go.

42Alam kong palagi mo akong dinidinig, at sinasabi ko ito para sa kapakanan ng mga nasa paligid ko upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”

43Pagkasabi niya nito, sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”

44At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”

45Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus.

46Ngunit ang iba sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.