44At lumabas nga ang namatay na si Lazaro na nababalot pa ng telang lino ang mga kamay at paa, at may takip na tela ang mukha. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kalagan nʼyo siya para malayang makalakad.”
45Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus.
46Ngunit ang iba sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa niya.
47Kaya nagpatawag ng pulong ng Sanhedrin ang mga namamahalang pari at mga Pariseo. At nang nagkatipon na sila, sinabi nila, “Ano ang gagawin natin? Maraming himala ang ginagawa ng taong ito.
48Kapag hinayaan natin siya, maniniwala ang lahat ng tao sa kanya. Kapag nangyari iyan, lulusubin tayo ng mga hukbong Romano at wawasakin nila ang Templo at ang ating bansa.”