Juan 11

Kaya nagpatawag ng pulong ng Sanhedrin ang mga namamahalang pari at mga Pariseo. At nang nagkatipon na sila, sinabi nila, “Ano ang gagawin natin? Maraming himala ang ginagawa ng taong ito.

John 11:47 (UKJV) Then gathered the chief priests and the Pharisees a council, and said, What do we? for this man does many miracles.

45Marami sa mga taong dumalaw kina Maria ang sumampalataya nang makita nila ang ginawa ni Hesus.

46Ngunit ang iba sa kanila ay pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa niya.

47Kaya nagpatawag ng pulong ng Sanhedrin ang mga namamahalang pari at mga Pariseo. At nang nagkatipon na sila, sinabi nila, “Ano ang gagawin natin? Maraming himala ang ginagawa ng taong ito.

48Kapag hinayaan natin siya, maniniwala ang lahat ng tao sa kanya. Kapag nangyari iyan, lulusubin tayo ng mga hukbong Romano at wawasakin nila ang Templo at ang ating bansa.”

49Ngunit isa sa kanila, si Caifas na punong pari sa taóng iyon, ang nagsabi, “Talagang wala kayong alam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.