Juan 11

Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?”

John 11:50 (UKJV) Nor consider that it is expedient for us, that one man should die for the people, and that the whole nation perish not.

48Kapag hinayaan natin siya, maniniwala ang lahat ng tao sa kanya. Kapag nangyari iyan, lulusubin tayo ng mga hukbong Romano at wawasakin nila ang Templo at ang ating bansa.”

49Ngunit isa sa kanila, si Caifas na punong pari sa taóng iyon, ang nagsabi, “Talagang wala kayong alam.

50Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?”

51Ang sinabi niyang ito ay hindi nanggaling sa sarili niya. Bilang punong pari ng taóng iyon, nagpahayag ang Diyos sa pamamagitan niya na mamamatay si Hesus para sa buong bansa.

52At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.