Juan 11

At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo.

John 11:52 (UKJV) And not for that nation only, but that also he should gather together in one the children of God that were scattered abroad.

50Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?”

51Ang sinabi niyang ito ay hindi nanggaling sa sarili niya. Bilang punong pari ng taóng iyon, nagpahayag ang Diyos sa pamamagitan niya na mamamatay si Hesus para sa buong bansa.

52At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo.

53Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Hesus.

54Kaya hindi na lantarang nagpakita si Hesus sa mga tao. Sa halip ay pumunta siya sa lugar na malapit sa ilang, sa isang bayan na kung tawagin ay Efraim. At nanatili siya roon kasama ang mga alagad niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.