Juan 11

Kaya hindi na lantarang nagpakita si Hesus sa mga tao. Sa halip ay pumunta siya sa lugar na malapit sa ilang, sa isang bayan na kung tawagin ay Efraim. At nanatili siya roon kasama ang mga alagad niya.

John 11:54 (UKJV) Jesus therefore walked no more openly among the Jews; but went thence unto a country near to the wilderness, into a city called Ephraim, and there continued with his disciples.

52At hindi lang para sa kanila, kundi upang tipunin at pagkaisahin sa isang bayan ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa buong mundo.

53Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Hesus.

54Kaya hindi na lantarang nagpakita si Hesus sa mga tao. Sa halip ay pumunta siya sa lugar na malapit sa ilang, sa isang bayan na kung tawagin ay Efraim. At nanatili siya roon kasama ang mga alagad niya.

55Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel, maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan ng Israel ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang ritwal na paglilinis bago magpista.

56Hinanap nila nang hinanap si Hesus, at nagtatanungan sila roon sa Templo, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa Pista?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.