Juan 11

Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel, maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan ng Israel ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang ritwal na paglilinis bago magpista.

John 11:55 (UKJV) And the Jews' passover was nigh at hand: and many went out of the country up to Jerusalem before the passover, to purify themselves.

53Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Hesus.

54Kaya hindi na lantarang nagpakita si Hesus sa mga tao. Sa halip ay pumunta siya sa lugar na malapit sa ilang, sa isang bayan na kung tawagin ay Efraim. At nanatili siya roon kasama ang mga alagad niya.

55Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel, maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan ng Israel ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang ritwal na paglilinis bago magpista.

56Hinanap nila nang hinanap si Hesus, at nagtatanungan sila roon sa Templo, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa Pista?”

57Samantala, ipinag-utos ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam ng sinumang nakakaalam kung nasaan si Hesus upang madakip nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.