Juan 11

Samantala, ipinag-utos ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam ng sinumang nakakaalam kung nasaan si Hesus upang madakip nila.

John 11:57 (UKJV) Now both the chief priests and the Pharisees had given a commandment, that, if any man knew where he were, he should show it, that they might take him.

55Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng Paglampas ng Anghel, maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan ng Israel ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang ritwal na paglilinis bago magpista.

56Hinanap nila nang hinanap si Hesus, at nagtatanungan sila roon sa Templo, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa Pista?”

57Samantala, ipinag-utos ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam ng sinumang nakakaalam kung nasaan si Hesus upang madakip nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.