Juan 12

Anim na araw bago dumating ang Pista ng Paglampas ng Anghel, pumunta si Hesus sa Betania kung saan nakatira si Lazaro na muli niyang binuhay.

John 12:1 (UKJV) Then Jesus six days before the passover came to Bethany, where Lazarus was, which had been dead, whom he raised from the dead.

1Anim na araw bago dumating ang Pista ng Paglampas ng Anghel, pumunta si Hesus sa Betania kung saan nakatira si Lazaro na muli niyang binuhay.

2Naghanda sila roon ng hapunan para kay Hesus. Si Lazaro ang isa sa mga kasalo ni Hesus sa pagkain. Si Marta ang nagsilbi sa kanila.

3Kumuha si Maria ng kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa halamang nardo. Ibinuhos niya ito sa paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak ang pabango sa buong bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.