7Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi niya sa mga alagad niya, “Bumalik na tayo sa Judea.”
8Sumagot sila, “Rabbi, kamakailan lang ay tinangka kayong batuhin ng mga Hudyo roon. Bakit pa kayo babalik doon?”
9Sumagot si Hesus, “Hindi baʼt may labindalawang oras sa maghapon? Kaya ang naglalakad sa araw ay hindi natitisod, dahil maliwanag pa.
10Ngunit ang naglalakad sa gabi ay natitisod, dahil wala na sa kanya ang liwanag.”
11Pagkatapos, sinabi pa ni Hesus, “Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya.”