Juan 12

Sumagot si Hesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, upang hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.

John 12:35 (UKJV) Then Jesus said unto them, Yet a little while is the light with you. Walk while all of you have the light, lest darkness come upon you: for he that walks in darkness knows not where he goes.

33Sinabi ni Hesus na siya ay itataas upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.

34Sumagot ang mga tao sa kanya, “Nakasaad sa Kautusan na ang Mesias ay mabubuhay nang walang hanggan. Bakit mo sinasabing kailangang itaas ang Anak ng Tao? Sino ba itong Anak ng Tao na tinutukoy mo?”

35Sumagot si Hesus, “Maikling panahon na lang ninyong makakasama ang ilaw. Kaya mamuhay kayo sa liwanag ng ilaw na ito habang narito pa, upang hindi kayo abutan ng dilim. Sapagkat hindi alam ng naglalakad sa dilim kung saan siya papunta.

36Kaya sumampalataya kayo sa ilaw habang narito pa, upang maliwanagan ang isipan ninyo.” Pagkasabi ni Hesus nito, umalis siya at hindi na nagpakita sa kanila.

37Kahit na nakita ng mga tao ang maraming himala na ginawa ni Hesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.