Juan 12

“Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?”

John 12:5 (UKJV) Why was not this ointment sold for three hundred pence, and given to the poor?

3Kumuha si Maria ng kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa halamang nardo. Ibinuhos niya ito sa paa ni Hesus at pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuyak ang pabango sa buong bahay.

4Ang isa sa mga alagad ni Hesus na naroon ay si Judas Iscariote na magkakanulo sa kanya. Sinabi ni Judas,

5“Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?”

6Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan.

7Ngunit sinabi ni Hesus, “Pabayaan ninyo siya. Inilaan ang pabangong ito para gamitin niya bilang paghahanda sa aking libing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.