5“Isang taóng sahod ang halaga ng pabangong iyan. Bakit hindi na lang iyan ipinagbili, at ibinigay sa mahihirap ang pera?”
6Sinabi niya ito, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga mahihirap kundi dahil isa siyang magnanakaw. Bilang tagapag-ingat ng pera nila, madalas niya itong kinukupitan.
7Ngunit sinabi ni Hesus, “Pabayaan ninyo siya. Inilaan ang pabangong ito para gamitin niya bilang paghahanda sa aking libing.
8Palagi nʼyong nakakasama ang mga mahihirap, pero akoʼy hindi nʼyo laging makakasama.”
9Maraming Hudyo ang nakabalita na nasa Betania si Hesus. Kaya nagpuntahan sila roon, hindi lang dahil kay Hesus kundi upang makita rin si Lazaro na muli niyang binuhay.