1Pagkasabi ni Hesus ng mga bagay na ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras. Parangalan mo ako na iyong Anak para maparangalan din kita.
2Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa lahat ng tao upang mabigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng taong ibinigay mo sa akin.
3At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Diyos, at makilala rin nila ako na si Hesu-Kristo, ang isinugo mo.
4Pinarangalan kita rito sa lupa dahil natapos ko na ang ipinagawa mo sa akin.