1Kaya ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit.
2Gumawa ang mga sundalo ng koronang tinik at ipinutong kay Hesus, at sinuotan nila siya ng kulay ubeng kapa.
3At paulit-ulit silang lumapit sa kanya at nagsabi, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!” at pinagsasampal siya.